Sa ating mundo, walang anumang bagay na nabuhuhay na walang kaslungat. Likas itong may kaakibat na kakontra o di naman kaya’y oposisyong bahagi.
Sa kantang “Magkabilaan” ni Joey Ayala, mahihinuha na laging may dalawang pagpipilian. Lagi, at laging may positibo o pagsang-ayon at negatibo o hindi pagsang-ayon.
Hindi lamang patungkol sa opsyon ang nailalahad ng kanta. Gayundin ang mga elementong likas sa ating kapaligiran at mga anyong magkaiba ng hitsura.
Ngunit sa kabila ng lahat, ang realidad na ito ay sadyang likas at mabuti sapagkat walang saysay ang isa kung wala itong kasalungat. Resiprokal na nagiging pamantayan ng isang bagay ang kasalungat nito. Hindi malalaman ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng isa kung wala itong kaakibat na kasalungat.
No comments:
Post a Comment