Ang Nag-Buena Mano sa Noche Buena Namin
Bisperas ng pasko at kami ay tumungo sa tahanan ng aking lola upang mag-Noche Buena. Ito ang pagkakataon naming magkakapamilya, uulitin ko, MAGKAKAPAMILYA upang magsalusalo at salubungin nang sabay-sabay ang araw ng pasko. Ngunit ang nangyari, ang mga bisita pa ng tiyuhin ko ang nagpasasa sa handaan. Hindi kami makaporma dahil mga bisita nga sila at hindi naman tama kung paaalisin naming sila kaagad kaya naman naghintay kami hanggang sa lumipat sila ng pwesto para kami naman ang makapagsaya sa Noche Buena.

My Dream on Christmas Day
Bawat isang tao ay may nais sa araw ng kapaskuhan, may mga pangarap ang ibang tao na gusto nilang matupad din sa araw ng pasko. Gaya ko, meron din akong pangarap sa araw ng pasko. Sa mismong araw ng pasko, akala ko nakamit ko na ang ninanais ko pero nanaginip lang pala ako. Pag-gising ko, bumaba ako ng bahay at tinignan ang mga kapatid ko at mga magulang ko. Hindi sila nakagayak at plano nila na magpasko na lamang sa aming tahanan. Naging payak ang aming selebrasyon sa araw ng pasko.
Sayang ang Sampung Piso
Martes, nagtext ang kaklase ko at inaaya akong sumabay papuntang Pampanga upang mag-ulat sa opisina ng CHED. Ika-8 ng umaga ang aming usapan ngunit ako’y nahuli sa aking paggising. Mabuti na lamang at may karamay akong nahuli rin at siya rin naming hinintay. Sa opisina, hindi maiiwasan na magkaroon ng mahabang pila. Dalawang oras kaming naghintay sa pila bago naming makuha ang scholarship mula sa opisina. Paguwi ko naman pagbaba ng Bocaue Exit, wala na akong masakyang jeep papunta sa crossing ng Bocaue dahil puno lahat ng dumadaang jeep patungong crossing. Halos mangangalahating oras na akong naghihintay sa tabing kalsada kaya’t napilitan akong sumakay ng tricycle. Sa daan patungong crossing, hindi umuusad ang trapiko ng mga sasakyan dahil maraming tao ang bumibili ng paputok apat na araw bago sumapit ang bagong taon. Pagbaba ko sa crossing, sasakay pa ulit ako ng jeep para makarating sa aming bahay. Pagsakay ko ng jeep, ang mga kasama kong naghintay ng sakay sa may Bocaue Exit ang siyang laman ng jeep. Sayang, ‘di sana naghintay na rin ako kasama ng mga kasabay kong naghintay.

Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga biyaya niya sa akin, sa amin sa pasko at unang araw ng bagong taon. May nakakainis at hindi ninanais na pangyayari man ang maganap, namamayani pa rin ang Kanyang kabutihan at kadakilaan sa ating mga buhay.
No comments:
Post a Comment