“Natae ka na?” tanong k okay Diel habang nakikinig kami sa final session ng isang mathematics training sa Iloilo. “Hindi nga eh,” sabi nya. Makalipas ang ilang minuto, ako’y tumungo sa aming kwarto mag-CR at kunin ang aking cellphone.
Pagkaraan ng pagpunta ko sa hotel room namin, bumalik ako sa session hall para ipagpatuloy ang pakikinig sa lektyur. Sa aking muling pakikinig, hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ni Diel habang binabasa ang natanggap niyang text message. Tinanong ko kung may problema ba pero binasa niya ang text, “Please pray for Ma’am Emie, she is in coma. Ang mommy mo Sam.”
Lubos ang pag-aalala ko noong oras na iyon. Tinatawagan ko ang aking daddy upang kamustahin ang kalagayan ng aking mommy ngunit hindi niya sinasagot ang aking tawag. Nalaman ko na lamang ang tunay na kalagayan ng aking mommy nag tawagan ko ang aking tiyahin.
May sakit pala ang mommy ko simula pagkabata sabi ng mga doctor. Nadiskubre na lang ito nang pumutok ang ugat sa kanyang utak.
Noong gabi ring iyon, tinawagan ako ng ama ng aking kaibigan. Pinakiusapan niya ko na umuwi na at puntahan ang kaing ina. Hindi ko na tinapos ang training kahit gusto kong pagbutihin pa para mapabuti rin ang kalagayan ng mommy ko. Pagbalik ko sa Maynila ay agad akong dinala sa ospita upang puntahan ang aking mommy.
Pagdating ko sa ospital ay inaya ko kaagad si daddy na pumunta sa ICU. Pagpasok ko, nakita ko si mommy na pulos aparato at kagagaling lang sa operasyon na pagbubukas ng kanyang ulo upang linisin ang nagkalat na dugo sa loob nito.
Sinubukan kong kausapin ang aking mommy habang siya any natutulog. Hindi siya makakapagsalita dahil sa nakakabit na breathing apparatus sa kanya pero naidilat niya ang kanyang mga mata kahit namamaga ang kanyang ulo. Lumuha siya nag ako’y makita.
No comments:
Post a Comment